Questions? +1 (202) 335-3939 Login
Trusted News Since 1995
A service for global professionals · Thursday, January 23, 2025 · 779,714,571 Articles · 3+ Million Readers

Gatchalian calls for sustained action versus POGOs post-deadline set by government

PHILIPPINES, January 7 - Press Release
January 7, 2025

Gatchalian calls for sustained action versus POGOs post-deadline set by government

Senator Win Gatchalian called for sustained action against Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) to ensure that the industry's remnants are effectively purged.

"More than ever, we need to sustain our efforts to clear out all criminal syndicates that are products of POGOs. We must stay the course to ensure a safer and more secure Philippines for all Filipinos," said Gatchalian who, for more than two years, has advocated for the termination of all POGO operations in the country.

The deadline for the cessation of all POGO operations in the country lapsed on December 31 last year. However, Gatchalian warned that POGOs have transformed themselves into other business entities, such as Business Process Outsourcing (BPO) companies, resorts, and restaurants, to camouflage their illegal activities.

"All law enforcement agencies, in close coordination with local government units, as well as the general public must remain vigilant against the presence of POGO offshoots disguised as legitimate business entities," said Gatchalian.

The senator further warned against complacency, emphasizing that the transformation of POGOs into other business forms poses similar risks to peace and order and public safety. He cited information from the Bureau of Immigration (BI) which said that it is working with other agencies to locate some 11,000 former POGO workers slated for deportation.

He said these illegal aliens could possibly get themselves involved in criminal activities such as kidnapping following reports of such incidents.

"Because they have evaded deportation, we can safely assume that these illegal aliens are onto something unlawful and vigilance of everyone is necessary to ensure that such activities are arrested and these aliens are deported as soon as possible," he said.

Gatchalian also commended the Office of the Solicitor General (OSG) for moving to cancel birth certificates that were fraudulently acquired.

"Bagama't pinupuri natin ang OSG sa kanilang aksyon, gusto din nating hilingin na mas bilisan pa nila ang kanilang pagkilos laban sa mga mapagpanggap na dayuhan para mas mapigilan pa ang kanilang mga mapang-abusong gawain dito sa bansa," he ended.


Gatchalian nanawagan ng patuloy na pagkilos laban sa mga POGO matapos ng deadline na itinakda ng gobyerno

Nanawagan si Senador Win Gatchalian ng patuloy na pagkilos laban sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO upang matiyak na wala nang natitirang mga POGO sa bansa na nag-ibang anyo na.

"Kailangan nating ipagpatuloy ang ating pagsisikap na mapaalis ang lahat ng mga sindikatong produkto ng mga POGO. Ipagpatuloy natin ang laban na ito para sa kapakanan ng ating mga kababayan," sabi ni Gatchalian na, sa higit dalawang taon ay, nagsulong ng pagpapahinto ng lahat ng operasyon ng POGO sa bansa.

Natapos na noong Disyembre 31 ng nakaraang taon ang deadline para ihinto na ng mga POGO ang kanilang operasyon sa bansa. Pero nagbabala si Gatchalian na nagpapanggap na sila ngayong iba't ibang uri ng negosyo tulad ng Business Process Outsourcing (BPO), resorts, at restaurants, para mapagtakpan ang kanilang mga iligal na aktibidad.

"Ang lahat ng law enforcement agencies, sa pakikipagtulungan sa mga local government units at lahat ng mamamayan ay dapat manatiling mapagmatyag laban sa presensya ng mga POGO na nagkukunwaring lehitimong negosyo," ani Gatchalian.

Nagbabala pa ang senador laban sa posibleng pagpapabaya at binigyang-diin na ang pagbabagong anyo ng mga POGO ay nagdudulot ng mga panganib sa kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng publiko. Binanggit niya ang impormasyon mula sa Bureau of Immigration (BI) na nagsabing nakikipagtulungan ito sa iba pang ahensya upang mahanap ang higit sa 11,000 na dating mga manggagawa ng POGO na nakatakdang i-deport.

Sinabi niya na ang mga ilegal na dayuhan ay posibleng masangkot sa mga kriminal na gawain, tulad ng pangingidnap at pagnanakaw, kasunod ng mga ulat ng naturang mga insidente.

"Dahil sa ayaw nilang umalis at mas gusto nilang manatili sa bansa kahit na walang legal na batayan, maaari nating ipagpalagay na ang mga ilegal na dayuhan na ito ay sangkot sa mga bagay na labag sa batas at ang pagiging mapagmatyag ng lahat ay kinakailangan upang matiyak na ang mga naturang aktibidad ay mapigilan at ang mga dayuhan na ito ay makaalis na ng bansa sa lalong madaling panahon," aniya.

Pinuri rin ni Gatchalian ang Office of the Solicitor General (OSG) sa hakbang na kanselahin ang mga birth certificate na ibinigay sa mga dayuhan sa ilegal na pamamaraan.

"Bagama't pinupuri natin ang OSG sa kanilang aksyon, gusto din nating hilingin na mas bilisan pa ang kanilang pagkilos laban sa mga mapagpanggap na dayuhan para mas mapigilan pa ang kanilang mga mapang-abusong gawain dito sa bansa," pagtatapos niya.

Powered by EIN Presswire

Distribution channels:

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.

Submit your press release